Dahil ‘Health is Wealth’, kalusugan ang priority sa Car-free, Carefree Tomas Morato!
Iba-ibang serbisyong pangkalusugan ang handog ng Quezon City Health Department para sa mga QCitizen ngayong Linggo sa Tomas Morato.
Mayroong mga serbisyo para mapangalagaan ang oral health, at mental health ng mga residente. May serbisyo ring hatid ang social hygiene clinics.
Libre naman ang non-communicable diseases services at nutrition counseling para sa mga QCitizen.
Bukod sa medical services, may jogging at zumba rin.
Ang Car-free, Carefree Tomas Morato ay isinasagawa kada Linggo sa bisa ng City Ordinance 3345-2024. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga residente.




