Car-free ang Tomas Morato tuwing Sunday morning!
Ligtas na tumakbo, nag-jogging, at nag-zumba ang mga QCitizen sa kahabaan ng Tomas Morato ngayong Car-free, Carefree Sunday.
Iba-ibang aktibidad ang sinalihan ng mga bata at kids at heart, na naka-focus sa kahalagahan ng pagbabasa at wastong nutrisyon. Mayroong ding puppet show, nutri-quiz, at libreng face paint.
Tuwing Linggo isinasagawa ang Carfree, Carefree Tomas Morato. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga QCitizen.




