LOVE MOVES… WITHOUT CARS! ![]()
![]()
Punong-puno ng saya at good vibes ang Car-Free Carefree Tomas Morato Sunday!
Nag-enjoy ang mga QCitizens sa zumba, cycling, running, at iba pang weekend bonding activities—kasama pa ang mga fur babies na game na game sa takbuhan.
Support local din ang tema ngayong araw, tampok ang mga produktong lokal mula sa Proudly Original Products of Quezon City (POP QC) at ang sariwa at abot-kayang produkto ng QC Fresh Market.
Kasabay nito, tumanggap naman ng donasyong pre-loved items para sa Kilo/s Kyusi Store, isang fundraising program ng lungsod na sumusuporta sa Learning Recovery ng mga mag-aaral.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.
Kita-kits ulit sa susunod na Linggo!








