Pets ang bida ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday!
Sama-samang nag-ehersisyo at nagpapawis ang mga QCitizen, kasama ang kani-kanilang alagang hayop, sa Tomas Morato ngayong Linggo.
Iba-ibang pakulo at aktibidad hatid ng Quezon City Veterinary Department ang sinalihan ng mga residente at kanilang furbabies, tulad ng QC Furpets Amazing Race, at libreng veterinary sevices.
May pet adoption din para sa mga QCitizen na nais maging furparents.
Tuwing Linggo, sa bisa ng City Ordinance 3345-2024, isinasara ang kahabaan ng Tomas Morato (mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces Avenue) para maging ligtas at protektadong open space sa mga mamamayang nais magpapawis at mag-ehersisyo.








