Balik-sigla ang paboritong Sunday morning healthy habit ng QCitizens!
Muling napuno ng energy, sayawan, at saya ang Tomas Morato sa pagbabalik ng Car-free, Carefree ngayong Linggo, May 25.
Sama-samang nag-zumba, nag-jogging, at nag-bisikleta ang mga pamilya’t barkada, kasama pa ang kanilang adorable furbabies!
Hindi rin nagpahuli ang mga dance enthusiasts na nagpasiklaban sa P-POP at K-POP Random Play Dance na handog ng Quezon City Youth Development Office (QCYDO).
Bukod sa kasiyahan, sinagot din ng QCYDO ang mga tanong ng kabataan tungkol sa scholarship program ng lungsod.




