Pagpupugay sa mga kawani ng pamahalaang lungsod na nagpakita ng natatanging kahusayan sa pagganap ng kanilang tungkulin!
QC Exemplar Awardees ang mga empleyado ng Office of the City Assessor dahil sa kanilang masusi at dekalidad na pagseserbisyo sa mga QCitizen.
Binigyan naman ng Career and Self-development Award ang mga kawani ng City Architect Department, Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force COPRISS, at Social Services Development Department (SSDD).
Iginawad nina Vice Mayor Gian Sotto at mga konsehal ang mga parangal ngayong umaga, sa ginanap na flag-raising ceremony sa QC Hall.