Isang pagbati para sa mga kawani ng QC Government na nabigyan ng Career and Self Development Award, matapos silang makapasa sa Civil Service Examination noong Marso.
Kinilala din para sa QC Rainbow Award ang QC Health Department, Office of the City Mayor, at Department of Public Order and Safety para sa pag promote ng gender inclusivity sa kanilang mga tanggapan.
Nakiisa sa awarding sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, City Human Resource Management Department head Atty. Noel Del Prado, at mga konsehal kasabay ng flag-raising ceremony ngayong araw.