Happy Monday, QC!
Nanguna sa flag raising ceremony sina Vice Mayor Gian Sotto at City Administrator Michael Alimurung ngayong araw, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Iginawad ang QC Career and Self Development Award sa ilang natatanging kawani ng pamahalaang lungsod na nakapasa sa Civil Service at iba pang licensure examinations, pati sa mga nagtapos ng kanilang graduate studies.
Kinilala rin ang ilang empleyado na naglingkod sa pamahalaang lungsod ng 20 taon o higit pa sa pamamagitan ng QC Service Award.




