Isang pagbati sa mga kawani ng pamahalaang lungsod na ginawaran ng Career and Self Development Award ngayong araw!
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng mga pagkilala kasama ang mga konsehal at ang Human Resource Management Department kasabay ng flag-raising ceremony.
Ang mga naturang empleyado ay nakapasa sa 2023 Civil Service Examination at ang ilan naman mula sa QC Health Department ay nakapasa sa Philippine Nurses’ Licensure Examination.