Isang pagbati sa mga piling kawani ng pamahalaang lungsod na ginawaran ng Career and Self-Development Award ngayong araw kasabay ng flag raising ceremony.

Iginawad ni Vice Mayor Gian Sotto ang mga pagkilala kasama si City Human Resource Management Department head Atty. Noel Del Prado at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Ang Career and Self Development Award ay ibinibigay sa mga empleyado ng QC Hall na nagpursigi para sa kanilang personal at career development habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang kawani ng pamahalaan.