Congratulations sa mga piling kawani ng pamahalaang lungsod na ginawaran ng Career and Self-Development Award!

Nanguna sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa pagbibigay ng pagkilala sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod na nagkamit ng award.

Ang mga pagkilala ay ibinibigay sa mga natatanging empleyado ng QC Hall na nagpursigi para sa kanilang personal at career development habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang kawani.