Ginawaran nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ng Career and Self Development Award ang mga piling kawani ng pamahalaang lungsod na nakapagtapos ng kanilang graduate studies at nakapasa sa licensure exams.
Kinilala din sa Be Healthy, Be Happy! Award ang tanggapan ng Quezon City Fire Department, Quezon City Police District, at Youth Development Office sa kanilang pagkamit ng compliance rate sa Annual Physical Exam ng lungsod.