Congratulations sa mga piling kawani ng pamahalaang lungsod na ginawaran ng Career and Self-Development Award ngayong araw kasabay ng flag raising ceremony.
Iginawad nina Mayor Joy Belmonte, District 5 Rep. PM Vargas, at City Human Resource Management Department head Atty. Noel Del Prado ang pagkilala sa mga empleyado na nakapasa sa civil service exams, licensure exams, at nagkamit ng kanilang masters degree.