Kinilala ng lungsod ang mga kawani na matagumpay na nagpursige para sa kanilang pag-unlad sa pamamagitan ng Career and Self Development Award.
Iginawad ang parangal sa mga kawani na nakapasa sa Civil Service at iba pang licensure examinations, at sa mga nagtapos ng kanilang graduate studies habang patuloy na naglilingkod sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang paggawad ng pagkilala, kasama si Majority Floor Leader Doray Delarmente
Kasama sa seremonya sina PNP Chief Nicolas Torre III, NAPOLCOM Commissioner Atty. Raphael Calinisan, at Senator-elect Bam Aquino.




