Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magandang araw, QCitizens!
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang flag-raising ceremony ngayong umaga.
Binigyang-parangal din ang mga natatanging kawani ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng QC Career and Self Development Award.
Ito ay iginagawad sa mga empleyadong matagumpay na nakapasa sa Civil Service at iba pang licensure examinations, pati na rin ang mga nakatapos ng kanilang graduate studies.
Patunay ito ng patuloy na pagsuporta ng Lungsod Quezon sa pag-unlad ng kakayahan ng bawat kawani ng pamahalaang lungsod.










