Congratulations sa mga kawani ng Quezon City Government na pinarangalan ng Career and Self-Development at Honesty Exemplar awards!
Nakatanggap ng Career and Self-Development Award sina Crystelle Keith B. Brezuela, Robby Espiritu, Albert Donato Laude, Jarome Peñalan, at Raymark Sarmiento mula sa Office of the City Assessor na nagtapos ng kanilang Master’s Degree sa Philippine Christian University.
Si Erica Ortiz naman mula sa Traffic and Transport Management Department ang ginawaran ng QC Honesty Exemplar Award dahil sa ipinamalas nyang katapatan sa kanyang tungkulin bilang traffic enforcer.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at mga department head ang nagbigay ng pagkilala sa mga empleyado.