Congratulations sa mga piling kawani ng pamahalaang lungsod na ginawaran ng Career and Self-Development Award ngayong araw kasabay ng flag raising ceremony.
Personal na iginawad nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mga parangal kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang mga pagkilala ay ibinibigay sa mga natatanging empleyado ng QC Hall na nagpursigi para sa kanilang personal at career development habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang kawani.