Happy Monday, QCitizens!
Nanguna sa Flag Raising Ceremony ngayong Lunes sina Vice Mayor Gian Sotto at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Kasabay nito, pinarangalan ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na nagsikap para sa kanilang professional growth sa pamamagitan ng QC Career and Self-Development Award. Kabilang dito ang mga nakapasa sa Civil Service Examination at Bar Examination, gayundin ang mga nagtapos ng graduate studies.
Binigyang-pugay rin ang mga lingkod-bayan na may mahigit 30 taon ng tapat at dedikadong serbisyo sa pamamagitan ng QC Service Award.
Samantala, kinilala sa QC Exemplar Award si TTMD Traffic Enforcer BillJohn Moron ng QC Transport Management Department (TTMD) dahil sa kanyang malasakit at kahandaang tumulong. Noong August 21, agad siyang umalalay sa isang mag-asawang nasiraan ng sasakyan sa Elliptical Road.






