Dumalo si Assistant City Administrator for Operations Alberto H. Kimpo, bilang kinatawan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, sa ginanap na 2022 Career Executive Service Lifelong Learning for Leadership Congress (CESCON) ng Career Executive Service Board.

Sa unang plenary session na may temang ‘Bounce Back Better: Build From the Past to Bounce Forward’, ibinahagi ni ACA Kimpo ang matagumpay na pagtugon ng Lungsod Quezon sa mga hamon ng pandemya gaya ng pagpapahusay sa serbisyo ng mga ospital at health centers, pagkakaroon ng mga bike lanes at libreng sakay sa Q City Bus, pagtataguyod ng Green Open Reclaimed Access (GORA) Lane, at pagtitiyak ng seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng programang GrowQC.

Panauhing pandangal sa CESCON si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Dumalo rin sina Senator Imee Marcos, Civil Service Commission Chairperson Karlo Alexei Nograles, at Career Executive Service Board Executive Director Maria Marcy Cosare-Ballesteros.

Bahagi ng pagtitipon ang presentasyon sa 96 na bagong CES Eligibles kabilang si Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City Officer-in-Charge Richard Santuile, at pagdiriwang ng ika-49 Founding Anniversary ng Career Executive Service Board.