Pagpupugay sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na nakatanggap ng Career and Self-Development Award at QC Exemplar Award!

Ngayong umaga, kinilala ng pamahalaang lungsod ang mga empleyado na nakapasa sa Civil Service Exam mula sa mga sumusunod na opisina: Local Economic Investment and Promotions Office (LEIPO), City Planning and Development Department (CPDD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH), Quezon City Task Force Disiplina, City Civil Registry Department (CCRD), at QC Citizen Services Department.

Binigyan din ng parangal ang mga nakapasa sa Licensure examinations mula sa Quezon City University (QCU), at RMBGH.

Iginawad naman kay Avelina Moriente ng Department of Public Order and Safety ang QC Exemplar Award dahil sa kanyang husay at galing sa pagpapanatili ng kaayusan sa QC Hall ngayong tax season.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal ang pag-aabot ng parangal sa mga awardee.