Higit sa 1,200 volunteer bikers mula sa iba-ibang grupo at organisasyon ang nakiisa sa #CaritasBike4Kalikasan at paglulunsad ng Caritas Bamboo Forest Project na inorganisa ng Caritas Philippines at Alay Kapwa ngayong Sabado.

Malaki ang naitulong ng maayos at ligtas na bike lanes sa buong Quezon City upang maging matagumpay ang higit sa 32-kilometer bike caravan mula sa Manila Cathedral hanggang La Mesa Dam Nature Reserve Park kung saan 500 bamboo seedlings ang kanilang itinanim sa DENR-NCR Nursery Area.

Bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, nagbigay ng talumpati si DPOS Head PBGGEN. Elmo DG. San Diego (Ret) sa mga lumahok sa bike caravan.

#LeaveNoOneBehind#CaritasPromise

#WeLoveQuezonCityPH