Halina’t bisitahin at tangkilikin ang mga produkto ng Caritas Manila Segunda Mana Bazaar sa Quezon City Hall!

Nanguna sa ribbon cutting ceremony at pormal na pagbubukas ng bazaar sina Mayor Joy Belmonte at Caritas Manila Chief Operating Officer Marlita De Ocampo.

Ang bazaar ay may layunin na tulungan ang mga kabataan sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Aktibo rin ang pakikipag-ugnayan ng QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office upang hikayatin ang QCitizens na mag-donate ng kanilang ‘segunda mano’ items.

Maaaring bisitahin ang Segunda Mana Bazaar mula September 23-27, ito ay matatagpuan sa QC Hall Inner Lobby.

+21