Nagsampa ng kasong fixing si Business Permits and Licensing Department (BPLD) head Margie Santos-Mejia laban sa dating empleyado ng departamento.
Kaugnay ito sa pagtanggap ng malaking halaga sa isang negosyante mula sa Lungsod Quezon para umano mabilis na iproseso ang business permit.
Katuwang ang City Legal Department, isinampa ng pamunuan ng BPLD sa Office of the City Prosecutor ang kaso kasama ang negosyante bilang witness sa reklamo.
Ang hakbang na ito ay patunay na seryoso ang Pamahalaang Lungsod Quezon upang maalis ang anumang uri ng kurapsyon at red tape sa mga proseso ng City Hall lalo na sa pagkuha ng business permit.




