DAGDAG KAPITAL PARA SA QC VENDORS!
Sa araw ng kanyang kapanganakan, pinili ni Mayor Joy Belmonte na bisitahin ang bawat distrito ng Lungsod Quezon at personal na mamahagi ng tulong pinansyal para mga ambulant vendors ng QC.
Aabot sa 6,000 na mga small businesses at iba-ibang vendors ang nakatanggap ng dagdag kapital mula kay Mayor Joy.
Ayon sa alkalde, malapit sa kanyang puso ang mga QCitizen small business owners at ambulant vendors, kaya nais niyang umunlad ang kanilang mga negosyo.
Bukod sa cash aid, hinimok din ni Mayor Joy ang mga benepisyaryo na tangkilin ang iba-ibang livelihood programs ng lokal na pamahalaan na handang umalalay sa mga nais magnegosyo.
Kasama ng alkalde sa pamamahagi ng tulong sina District 3 Rep. Franz Pumaren, District 5 Rep. PM Vargas, Councilor Wency Lagumbay, Chief of Staff Rowena Macatao, District Action Officers, at mga QC barangay chairpersons.




