Aabot sa 1,200 QCitizens ang napabilang sa cash for work (CFW) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan sa QC Social Services Development Department (SSDD).

Ang CFW ay bahagi ng implementasyon ng lungsod sa Project BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng DSWD, na naglalayong masolusyunan ang mga kinakaharap ng mga LGU ngayong El Nino partikular sa food security.

Limang araw na sumailalim sa pagsasanay ang mga QCitizen mula sa pinaka nangangailangang sektor. Tinuruan sila ng iba-ibang programa ng lungsod sa climate change, joy of urban farming, disaster resilience, at community savings group.

Nagtanim din sila sa kanilang komunidad, sa loob ng 15 araw.

#ProjectBinhi

#ProjectLawaAtBinhi

+14