Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ipinagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash relief assistance (CRA) para sa mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver ngayong Lunes.
Tiniyak ni DSWD Sec. Rex Gatchalian at ni Mayor Joy Belmonte na maayos at mapayapa ang isinagawang distribusyon ng CRA sa Quezon Memorial Circle.
Noong mga nakaraang linggo, nakasuporta ang lokal na pamahalaan sa national government para masigurong maayos ang buong proseso ng CRA distribution sa mga driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.










