Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sinimulan ngayong araw ang payout para sa mga tricycle driver mula District 4 sa ilalim ng programang Cash Relief Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Risen Garden ng Quezon City Hall.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ibinigay ng mga barangay at kanilang mga TODA sa Social Services Development Department (SSDD) at DSWD. Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay nakakuha ng P 5,000.
Layon ng programa na makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga tsuper na apektado ang biyahe bunsod ng tumataas na presyo ng petrolyo.










