Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sinimulan na ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga tricycle driver sa ilalim ng Cash Relief Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay nakakuha ng ₱5,000.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa District 6 upang kumustahin ang mga benepisyaryo at tiyaking maayos ang daloy ng payout para sa sektor ng transportasyon.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga isinumiteng datos ng mga barangay at kani-kanilang TODA sa Social Services Development Department (SSDD) at DSWD.
Nakiisa rin sa aktibidad sina Chief of Staff Rowena Macatao at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave.








