Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga tricycle driver sa ilalim ng Cash Relief Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay nakakuha ng ₱5,000.
Dumalo si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa distribusyon sa People’s Park covered court sa Brgy. Milagrosa para sa mga benepisyaryo ng District 3.
Isinagawa rin ang distribusyon sa SB Park sa Brgy. Batasan Hills para sa mga benepisyaryo ng District 2, habang sa Risen Garden sa Quezon City Hall naman para sa mga benepisyaryo ng District 4, at sa Novaliches Park para sa mga benepisyaryo ng District 5.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga isinumiteng datos ng mga barangay at kani-kanilang TODA sa Social Services Development Department (SSDD) at DSWD.
Kung kayo po ay miyembro ng isang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), makipag-ugnayan lamang sa inyong asosasyon. Sila po ang magsusumite ng listahan sa Tricycle Regulatory Division (TRD) ng QC TTMD. May mga susunod pa pong batch ng pamimigay ng tulong para sa mga miyembro ng TODA.










