Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Daang-daang tricycle drivers sa Quezon City ang nakatanggap ng ₱5,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng cash assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Naging katuwang sa distribusyon ang Social Services Development Department at Traffic and Transport Management Department upang masigurong maihatid ang suporta sa mga benepisyaryo.
Kung kayo po ay lehitimong miyembro ng isang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at hindi napabilang sa listahan, makipag-ugnayan lamang sa inyong asosasyon. Sila po ang magsusumite ng listahan sa Tricycle Regulatory Division (TRD) ng QC TTMD. May mga susunod pa pong batch ng pamimigay ng tulong para sa mga miyembro ng TODA.








