Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsimula na ngayong araw, March 17, ang pamamahagi ng cash relief assistance para sa mga tricycle driver sa Lungsod Quezon sa ilalim ng Fuel Subsidy Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang bawat benepisyaryo ay nakakuha ng P 5,000. Kabilang sa mga nakatanggap ang mga miyembro ng TODA mula sa District 1 at District 5 na ginanap sa Barangay Katipunan, District 1 at Buenamar Park, Novaliches Brgy. Novaliches Proper, District 5.
Layon ng programa na makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga tsuper na apektado ang biyahe bunsod ng tumataas na presyo ng petrolyo.








