Higit 140 Qcitizens mula Districts 1 to 6 ang muling nabigyan ng pag-asang makakita kasunod ng libreng cataract removal surgery sa covered court ng Bgy. Loyola Heights.

Binigyan din ng libreng gamot ang mga pasyente para sa kanilang mata na bagong opera.

Simula Martes, aabot na sa halos 400 ang naserbisyuhan ng surgical outreach na bahagi ng Medical Mission 2024 sa Quezon City ng Philippine Medical Society of Northeast Florida Inc., sa pakikipagtulungan ng Quezon City Health Department (QCHD), QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Quezon City General Hospital (QCGH), at Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH).

+7