Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa Quezon City ang mga kinatawan ng Cebu City Women and Family Affairs Commission (CCWFAC) at nag-ikot sa QC Human Milk Bank at Quezon City Protection Center (QCPC) para sa isang benchmarking activity na naglalayong pag-aralan ang mga natatanging programan ng lungsod para sa mga ina at mag-anak.
Pinangunahan ng mga kawani ng Gender and Development Council Office ang pagbabahagi ng QC VAW Centralized Databank System, na naguulat ng mga kaso ng VAWC, isang sistematikong pagkilos laban sa pang-aabuso sa mga bata at kababaihan. Dumalaw ang delegasyon sa pasilidad ng QCPC upang makita ang proseso ng serbisyo nito sa mga mamamayan.
#BenchmarkingAtQC#QCMoreToExplore










