Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpaabot ng munting tulong ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa mga kabataang pansamantalang namamalagi sa Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) Haus na matatagpuan sa Barangay Pinyahan ngayong Sabado.
Mula pa 2003, nagsisilbing temporary shelter na ang CHILD Haus para sa mga batang may sakit na mula sa malalayong probinsya habang sila ay nagpapagamot sa Metro Manila.
Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte ang pasilidad kasama sina CHILD Haus Founder Mader Ricky Reyes at Social Services Development Department head Lorelei Salvador.
Nangako si Mayor Joy sa mga kabataang nasa pasilidad na handang tumugon ang lokal na pamahalaan para sa kanilang mga pangangailangan.










