Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inspeksyon sa pribadong Central Slaughterhouse sa Bacoor City, Cavite ngayong Sabado.
Layon ng pagbisita ang pagkalap ng ideya at modelo sa pinaplanong pagtatayo ng centralized slaughterhouse sa Barangay Sauyo.
Sa tulong ng proyektong ito, masisiguro ng lokal na pamahalaan na malinis at nasa tamang proseso ang mga kinukonsumong karne sa lungsod.
Kasama sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Planning and Development Department OIC Jed Gomez, City Veterinary Rey Del Napoles, City Market Administrator Atty. Mark Aldave, Barangay Sauyo P/B Noel Vitug, P/B Buboy Rogacion Jr., at Clifford Limpe-Aw.








