BAGONG CENTRALIZED VEHICLE MANAGEMENT SYSTEM NG QUEZON CITY GOVERNMENT ✨

Isinagawa na kanina ang pagpaparehistro ng mga driver at orientation kung paano gamitin ang bagong Centralized Vehicle Management system ng Quezon City Local Government.

Sa pamamagitan ng programang ito, maaaring magpareserba ng mga kinakailangang sasakyan ang mga departamento at ahensiya para sa mga opisyal na lakad.

Sa kasalukuyan, mayroong 26 na sasakyan ang bahagi ng pilot fleet. Karamihan sa mga ito ay hybrid cars, alinsunod sa adbokasiya ng Quezon City na maging isang maka-kalikasang lungsod.

+6