QCitizens, isama na ang buong pamilya at tara na sa Quezon Memorial Circle!

Tiyak na mag-eenjoy ang inyong mga chikiting sa pamamasyal sa circle dahil pormal nang pinailawan ng Quezon City Government ang higanteng christmas tree at ang light tunnel nito kagabi.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa ceremonial lighting ceremony, kasama ang mga department head ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Mayor Joy, ang mga parke tulad ng QMC ang pinakamagandang pagdausan ng selebrasyon ng kapaskuhan ng bawat pamilyang QCitizen, kaya naman tinutukan ng lokal na pamahalaan ang pagpapaganda at pagpapalamuti rito.