Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, kasama si Housing Community Development and Resettlement Department Head Atty. Jojo Conejero, ang ceremonial signing ng Deed of Absolute Sale para sa mga benepisyaryo mula sa Barangay Bahay Toro, Commonwealth, Old Balara, at Bagong Silangan.
Nakiisa rin sa okasyon ang mga landowners at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang seremonya ay bunga ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang lungsod, mga homeowner associations, at pribadong sektor upang maisulong ang ligtas, legal, at pangmatagalang paninirahan para sa mga residente.
Lubos ang pasasalamat ng Lungsod ng Quezon sa mga landowners sa kanilang bukas-palad na pakikiisa na nagbigay-daan upang mas mapalapit sa katuparan ang pangarap na sariling lupa ng daan-daang pamilyang QCitizens.








