Pormal nang ibinigay ng Quezon City Government ang mga karagdagang kagamitan sa mga paaralan at daycare centers sa lungsod!
Aabot sa 5,100 sets ng kiddie table at chairs; 25,000 tablet armchairs (15,000 sa elementarya at 10,000 sa sekundarya); 160 units ng industrial cooling fans, 50 weighing scales; at 300 smart TVs ang nai-turnover ng pamahalaang lungsod sa mga pampublikong paaralan at daycare centers.
Malugod na tinanggap ng Schools Division Office at Social Services Development Department ang mga bagong kagamitan na makakatulong sa pagsisiguro ng kapakanan at kaginhawaan ng mga estudyante.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Dorothy Delarmente at Coun. Aly Medalla ang ceremonial turnover sa mga paaralan.
Dumalo rin sina Schools Division Superintendent Carleen S. Sedilla, Education Affairs Unit Head Ms. Maricris Veloso, QCFPTA President, Mr. Fernando Gana, PRINSA President Mr. Joseph Palisoc, QCPSTA President Ms. Erlinda Alfonso, at mga opisyal ng Social Services Development Department na namumuno sa daycare centers ng lungsod.