Pagbati sa mga Barangay officials!
Nagtapos ang 326 na mga opisyal ng barangay mula District 1-6 sa kursong leadership in public service at fundamentals of public management.
Layon ng lokal na pamahalaan na mas mabigyan pa ng edukasyon at kaalaman ang mga namumuno upang masolusyunan ang mga pangangailangan at isyu ng kanilang nasasakupan.
Pinaalala ni Mayor Joy Belmonte na ang bawat opisyal ng lungsod ay dapat maging magaling, mabuti, at tapat para magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
Dapat silang makinig sa taumbayan upang magamit ang pondo ng tama at makapagbigay ng de-kalidad na programa sa mamamayan.
Ang certificate na kanilang natanggap ay mula sa Speaker Feliciano R. Belmonte Jr – School of Good Governance ng Quezon City University.