ilang bahagi ng selebrasyon ng Cervical Cancer Awareness Month, nagdaos ng programa ang Quezon City Health Department upang magbigay kaalaman sa publiko ukol sa sakit na Cervical Cancer at iba pang uri ng Human Papillomavirus (HPV) at kung paano ito maiiwasan.
Nag-lecture din ang CHD ukol sa mga programa ng pamahalaang lungsod para sa cervical cancer, nagbahagi rin si Dr. Erwin de Mesa mula sa Philippine Obstetrical and Gynecological Society ng lecture. Binakunahan rin ng libreng HPV Vaccine ang mga anak ng QC Hall employees, edad 9-14 years old at nagkaroon ng Free Visual Inspection using Acetic Acid.
Kasabay nito, bilang tanda ng pakikipagtulungan ng iba-ibang sektor sa paglaban sa sakit, nakibahagi ang QCHD, Department of the Interior and Local Government-QC, at iba pang departamento sa Kalasag ng Kalusugan Commitment Exercise.
Ayon sa datos ng Department of Health, ang Cervical Cancer ay pangalawa sa leading cancer site sa mga kababaihan sa bansa. Mahigit 7,200 ang tinatayang kaso ng cervical cancer kada taon habang mahigit 3,800 naman ang inaasahang namamatay kada taon. Pinapayuhan ang mga kababaihan na ang early detection, pagpapabakuna laban sa HPV, at ibayong pag-iingat, ay mahalaga upang maiwasan ang cervical cancer.