QCitizens, alam niyo ba na maaaring maiwasan ang sakit na cervical cancer sa pamamagitan ng regular screening at HPV (human papillomavirus) vaccination?
Ngayong Cervical Cancer Awareness Month, ating itaguyod ang kahalagahan ng kaalaman, maagang pagsusuri, at wastong pangangalaga sa ating kalusugan.
Sa Quezon City, LIBRE ang cervical cancer test at HPV vaccination para sa mga kababaihan. Maaaring magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa karagdagang impormasyon.
Together, we can make a difference and save lives.
