Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Japanese students na naging bahagi ng cultural exchange program ng Quezon City at Chiba City, Japan.
Ito ay proyekto ng lokal na pamahalaan at Chiba, Japan kasama ang Junior Chamber International (JCI).
Malugod na pinatuloy ang Japanese students sa bahay ng mga estudyanteng Pinoy.
Bumisita rin ang mga dayuhan sa Brgy. Payatas upang magbigay ng mga libro, laruan, toiletries, at grocery pack sa mga residente ng barangay.
Dumalo sa maikling programa sina Japan Embassy Minister and Consul General His Excellence Hanada Takahiro, JCI Chiba President Hiromi Yuasa, at JCI Chiba Chairman and Chiba City Councilor Yusuke Okada.
Kahapon ay nagpunta rin sila sa Batasan Hills National Highschool kung saan hinandugan sila ng mga estudyante ng munting programa.