Simula na ng malawakang pagbabakuna kontra rubella, polio, at tigdas na gaganapin ngayong buong buwan ng Pebrero!

Pabakunahan ang inyong mga anak na siyam na buwan hanggang limang taong gulang upang protektodo at ligtas sa mga sakit.

Bisitahin ang pinakamalapit na health center para alamin ang schedule ng bakuna sa inyong lugar.

Siguraduhin ang kapakanan ng inyong mga anak. Makibahagi sa #ChikitingLigtas!

Quezon City Health Department Official