Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations sa 7,992 Child Development Center (CDC) pupils na nagsipagtapos kahapon!
Ngayong Martes, pinagtibay ni Mayor Joy Belmonte ang pagtatapos ng mga batang QCitizen mula sa 150 CDCs sa Districts 1, 2, at 4.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng alkalde ang mga magulang ng mga bata na matiyagang nag-aasikaso at umaalalay sa kanilang anak.
Ipinangako rin niya na handang sumuporta ang lokal na pamahalaan para makamit ng kanilang mga kabataan ang kanilang pangarap at nais na propesyon sa hinaharap.
Sa mga CDC ng lungsod, libre ang lahat ng mga pangangailangan ng mga bata tulad ng uniform at school supplies. Mayroon ding feeding program at regular na check up para masiguro ang kalusugan ng mga mag-aaral.










