Congratulations, and good job, mga batang QCitizen! ![]()
![]()
Isang malugod na pagbati sa mahigit 7,700 batang mag-aaral na matagumpay na nagtapos sa Child Development Centers (CDC) sa Districts 3, 5, at 6.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang seremonya at kinilala ang pagtatapos bilang mahalagang hakbang sa paglalakbay ng mga batang QCitizens—na inaasahang magiging susunod na mga lider ng pamayanan.
Binigyang-pugay ng alkalde ang pakikiisa ng mga magulang, guro, at komunidad sa paggabay at paghubog sa kakayahan ng mga bata.
Kinilala rin niya ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang pagkatuto at sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.
Dumalo sa okasyon sina Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador, Early Childhood Care and Development Focal Person Nazia Louise Espina, D3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, D5 Action Officer William Bawag, at D6 Action Officer Atty. Mark Anthony Aldave.








