Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kasabay ng patuloy na pagkalinga sa mga pamilyang inilikas dahil sa banta ng Bagyong #OpongPH, nagtayo ng child-friendly spaces ang lokal na pamahalaan sa mga itinalagang evacuation sites sa QC.
Sa pangunguna ng Social Services Development Department, iba-ibang psychosocial support activities ang isinagawa para sa mga bata tulad ng pagkukulay, storytelling, at mga palaro.
Sa child-friendly space, sinisiguro na ligtas, masaya, at may suporta ang mga kabataang QCitizen kahit nasa gitna ng sakuna.










