Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng Child Labor Law Seminar ang Public Employment Service Office sa mga purok at barangay staff ng Barangay Matandang Balara.
Tinalakay sa seminar ang karapatan ng mga bata at ang pagkakaiba ng child labor at child work. Layon ng seminar na palawigin pa ang kapasidad ng Barangay Matandang Balara sa pagpapatupad ng mga polisiya at batas kontra child labor sa kanilang nasasakupan.
Katuwang ng PESO sa pagsasagawa ng seminar sina PB. Allan “AF” Franza, Kagawad Benjie E. Reyes at ng Barangay Council ng Matandang Balara.
Ang Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ay pinangangasiwaan ng QCPESO Special Projects Division alinsunod sa Zero Child Labor campaign ng lungsod.










