Matagumpay na inilunsad ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) ang Children’s Congress 2022 na may temang “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.” Dinaluhan ito ng 250 na mga estudyanteng nasa edad 12-17 y/o, na ginanap sa Don Alejandro A. Roces, Sr. Science and Technology High School.

Pinakinggan at tinugunan naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga hiling at mga suhestiyon ng mga kabataang QCitizens. Hinimok din ng alkalde ang mga kabataan na maging matatag at patuloy na ipaglaban ang kanilang mga ninanais.

Tungkulin ng proyektong ito na lalo pang mapalalim ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan at maging mulat sila sa mga child protection issues. Nagkaroon din ng iba-ibang mga aktibidad ang mga bata na “Kids Walk to Health,” kung saan natutunan nila ang kanilang mga sariling frustrations, ninanais, at mga plano para sa kanilang kinabukasan.