Sa QC, alaga ang kinabukasan ng mga kabataan!
Aabot sa 400 na mga bata mula sa 158 schools ang nakilahok sa Children’s Summit 2023 na pinangunahan ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC).
Nakatuon ang summit sa climate change, kung paano ito maiiwasan at kung ano ang epekto nito sa mga bata.
Ibinida rin ng mga kabataang QCitizen ang iba-ibang paraan upang mas maging maganda at maayos ang ating kapaligiran.
Pinaalala ni Mayor Joy Belmonte sa mga kalahok na makipagtulungan sa Sangguniang Kabataan para sa mga inisyatibo at proyekto na nangangailangan ng budget.
Pumunta rin sa selebrasyon sina Vice Mayor Gian Sotto, QCCPC OIC Eileen Velasco, UNICEF Youth Strike 4 Climate Philippines Kiana Amarnani, QCDRRMO Instructor Mr. Christian Dico, Climate Change and Environmental Sustainability Department Environmental Management Specialist II Ana Patricia Punzalan.